Tuesday, June 25, 2024

Skip the Wait, Live Now: Bakit RFO Unit ang iyong Perfect Match!

Skip the Wait, Live Now: Bakit RFO Unit ang iyong Perfect Match!

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinag-iisipan mo na bang bumili ng sariling bahay? Awesome! Maraming options ang nariyan para sa’yo, pero ang pagpili kung pre-selling unit or RFO unit ba ay tagalang kailangang iconsider ng mabuti. Sure, ang pre-selling ay talaga namang mas mura sa simula. Pero sa sa pagbili ng RFO unit, maaari mong ma-enjoy ang mga perks na magpapatunay na ito ang winning choice at perfect match para sa’yo.

Imagine this: sa halip na maghintay ng mga buwan o kahit taon para matapos ang construction ng bahay, agad mo nang makukuha ang susi at makakalipat agad. Wala nang pagmumuni-muni tungkol sa tanawin sa bakuran o sa pagdaydream kasamaang mga anak sa mga play equipment – agad mo nang magagawa ang mga iyon. Higit pa diyan ay may pagkakataon kang tingnan mismo ang unit, suriin ang kalidad ng lahat, at makita kung ang layout ay swak sa iyong lifestyle.

At speaking of lifestyle, yung amenities gaya ng play equipment, multipurpose halls, at yung security – lahat ng mga pasilidad na nakakapagpasaya ng pamumuhay sa isang komunidad? Oo, handa na silang gamitin kapag handa ka na rin. Walang kailangang hintayin na malinis muna ang naiwang alikabok ng konstruksyon bago ka makapagpahinga ng maayos sa iyong bagong sala.

Kung iniisip mong ipa-renta ang bagong tahanan mo, agad mo nang maeenjoy ang tamis na kita sa matatanggap na upa sa iyong unit. Wala ka nang hihintayin pa dito – puwede kang makahanap ng mga tenant kaagad at gawing negosyo ang iyong property.

So, kung ikaw ay naghahanap ng bagong malilipatan agad, whether ito ay para sa pagrelocate dahil sa trabaho, o nais mong magsimula ng iyong pamilya, o di kaya ay gusto nang itigil ang pangungupahan sa apartment, RFO Units ang iyong magiging best friend!

Sa BellaVita, may RFO units na available na Sakto Sa’yo! Matatagpuan ang BellaVita RFO Units sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas gaya ng sa Lian, Lipa, San Pablo, Pila, Rosario, at iba pa. Para sa mga dagdag na impormasyon, bisitahin lamang ang BellaVita Facebook Page.