Friday, May 31, 2024

Finally! I have SunLife as Partner in Life

Finally! I have SunLife as Partner in Life

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

One of my biggest achievement last year (2022) is finally naumpisahan ko na ang journey ko with SunLife. Malaki ang pasasalamat ko sa aking co-mommy blogger/ best financial advisor, Roma Avenido sa kanyang suporta and encouragement.

As a mom of 4, medyo struggle sa akin ang pagkuha ng insurance pero sabi nga nila “pag Gusto may Paraan”. Isa sa naging tanong sa kin ni mommy Roma is “Ano ba yung Goal ko?, at first nahirapan ako sagutin to pero syempre una sa goal ko ang mapag tapos ang mga anak ko sa kanilang pag-aaral. Pero syempre hindi lang kami dun nag-focus, ini-explain ni Roma ang kahalagahan ng Health insurance lalo na sa panahon ngayon. Nakakatuwa naman dahil recently ay umattend ako ng SunTalks para madagdagan pa aking kaalaman sa Insurance and first topic is about Health Goals. Alam nyo bang malaki ang pagpapahalaga ng SunLife pagdating sa Health maging sa Wellness?

Sunlife is committed to being a PARTNER for their clients throughout their HEALTH JOURNEY. It means they talk about Prevention, Diagnosis, Treatment until Recovery. They have different and suitable coverages depende sa needs ni client.

 

Masaya din malaman na marami activities / initiatives si SunLife kung saan mas lalo tayo mag kakaroon ng awareness and promote living healthier. Mahirap talaga magkasakit sa panahon kaya dapat meron tayong Partner na pwedeng matakbuhan at maasahan.

 

Manager Francesca Tolentino and Sales Manager & Financial Advisor Garett Maralit also shared their insights in unlocking Health Goals, and dami ko natutunan from them. Mahirap man pero malaki ang impact ng pag bubudget natin lalo na tayo mga mommies and dapat natin isa-alang alang ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

Here’s the takeaway questions and you can also answer this and start Live Healthier

— My inspiration to be healthy is _______

— To achieve my Health Goals, I will ________________

— My current health goal is _________