Thursday, January 23, 2025

Bandang kaabang-abang ngayong 2022, SkoolService

Bandang kaabang-abang ngayong 2022, SkoolService

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Masasabing isa sa matagumpay at malaking music event ng OPM ngayong taon ay ang isinagawang Album Launching ng Madhouse Record Label artists. Ito ang 3-day Album Launching mini-concert series nitong December 28, 29 at 30, 2021 na naganap sa Social House, Circuit, Makati. Tampok ang ilang mga piling artists at singer/songwriters na kasapi ng Madhouse Record label.

Isa nga sa mga artists na ito ang bandang SkoolService na nagpakita hindi lamang ng kanilang natatanging galing sa pagtugtog at pagkanta, pinarinig din nila ang kanilang mga orihinal na awiting talaga namang kinagiliwan ng audience.

Ang bandang SkoolService nagtanghal sa pangalawang araw ng event nitong December 29, 2021. Talaga namang kakaibang tunog din ng musikang OPM ang ihahain ng grupo para sa kanilang mga tagahanga at tagapakinig na nauna nang kinagiliwan sa kanilang mga awitin gaya ng Tanging Hiling, Kanta, Sandatang ‘Di Nabibili at marami pang iba. Hindi magkamayaw ang mga audience sa naging performance ng grupo. Isa ang bandang ito na kaabang abang ngayong 2022.

Ang SkoolService ay isang Alternative Pop/Rock band na nabuo noong 2012. Ito ay binubuo nina Jay, ang bokalista at bass guitarist, Rye sa lead guitars, Markie sa drums at Gecho guitar.

GLOTTIS V
Azoriz CB18

Lalo pang nagbigay ng excitement sa gabing yon ang iba pang mga piling artists na nagbahagi din ng kanilang mga orihinal na awitin sina Dianne Enriquez, JL Cañete, Azoriz CB18, Arlie John, bandang Glottis V, The Mainestream Band, at ang Chairman at Founder ng Madhouse, si Mr Rannie Raymundo.

Isa ang bandang SKOOLSERVICE sa mga natatanging grupo na kabilang sa Madhouse Record Label. Ang Madhouse Music ay pinamumunuan ng founder nito ang itinuturing na isa sa mga hit-maker ng OPM na si Rannie Raymundo.